Hayaan ang stress, sumabay sa indak ng Zumba at masasayang laro para sa isang masigla at makabuluhang simula ng linggo!

Sinimulan ng mga guro ang panibagong linggo sa isang Health and Wellness Activity. Pinangunahan ito ng mga guro sa asignaturang CLVED at ICT.

Ang Kalusugan ay kayamanan! Bilang mga guro, mahalaga ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at isipan upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon. Sa isinagawang health and wellness activities, mas pinagtibay nito ang pisikal na pangangatawan maging ang mental at emosyonal na katatagan. Mula sa mga ehersisyong pampalakas ng katawan, pampasigla ng isipan at pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat pangkat.

Layunin ng mga gawaing ito na hikayatin ang mga guro na bigyang-halaga ang kanilang sarili sa gitna ng abalang mundo ng pagtuturo. Ang kalusugan ng guro ay kalusugan ng paaralan—kapag masigla ang guro, masigla rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaya naman, patuloy ang suporta ng pamunuan sa mga ganitong inisyatibo upang mapanatili ang balanseng pamumuhay ng bawat isa. Sama-sama nating isulong ang isang mas malusog, mas masigla, at mas makabuluhang komunidad ng mga guro!

Maryknoll College of Panabo, Inc. Community

MCPI-Office of Student Affairs

MCPI-Human Resource Management Office

MCPI Guidance, Counseling and Testing Center

#AimHighMCPI

#AllForMaryknoll

#MagEnrollSaMaryknoll