Kakasa ang mga estudyante ng Maryknoll College of Panabo, Inc. sa taunang National Science and Math Quest upang ipamalas ang kanilang natatanging abilidad pagdating sa agham at matematika.
Dala ang bandera ng paaralan at ng siyudad ng Panabo, 39 ka estudyante at 12 coaches ang pupunta sa Baguio City para ipasiklab ang kanilang mga talino.
“Excited at may konting pangamba dahil [hindi] ko alam ano ang pagsubok na aking mararanasan,” iyan daw ang nararamdaman ni Sean Villacampa, isang kalahok ng Tower of Hanoi competition.
Saad din niya, unang pagkakataon niyang makasali sa isang pambansang kompetisyon kaya labis niyang inabangan ang pagsali sa naturang patimpalak.
“I look forward in facing my opponents from [the] different regions in the Philippines and I hope I will do my best against them,” bahagi ni Villacampa.
Tatlong araw mananatili ang mga delagado sa Baguio City kung saan lalaban sila sa mga patimpalak na Science History, Science Spelling, Science Photojournalism, Sci-Tech Writing, Math History, Math Quiz bee, Poster making, Sudoku, DaMath, Rubik’s Cube, at Tower of Hanoi.
Article: Raphael Lorenz Masinadiong – News Writer
Pubmat: Rolando Babor Acosta – Club Moderator/Coach